Narating nanamin ang malalaking tipak ng bato na tinatawag nilang rockies isa ito sa mataas na atraksyon sa bundok na naakyat ko na may mga malalaking bato sa itaas napakaganda niya naakit ako kaya halos lahat ng anggolo nakuhanan ko sa pagkamangha ko sa paligid parang ayaw ko nang bumaba.parang diko siya titigilan hanggat diko matanaw ang kabuohan ng paligid pero may oras kaming dapat sundin sa aming guide.para ang mga susunod na umakyat at kukuha ng larawan naman panibagong batch kaya nagpatuloy kami sa baba tungo naman sa kubol para pagsalo-salohan namain ang aming mga munting dalang pagkain.
lahat ng mga guide ng nasabing bundok sinasabi mag-ingat baka madulas at tinuturo ang dapat gawin para makarating ng ligtas. may mga nakasunod kaming guide at lahat ng sinasabi ay ganon na mag-ingat, maiigi narin yong handa ka sa anomang bagay nang sa ganon ligtas kapalagi...
Ang mga kasamahan ko na umakyat nagtraverse kami at ito yong kabilang bundok na dinaanan namin tinatawag na summit, ang kabilang daan na papunta sa 1,000 step naman ang aming puntarya bago makarating doon kelangan umakyat baba tapos may mga lubid pakaming hinahawakan para di kami madulas at mahulog sa ibaba,napakasaya kakaiba siya sa mga aktibidad ko na mga nagawa.
Ang aking naging kaibigan di niya ako nilulubayan hanggat di ako makarating sa baba ang sarap ng pakiramdam na ang isang aso biglang aamo sayo pakiwari ko isa siyang sugo na may isang bagay na ipapahayag na di nararamdaman ng mga tao.
pero nong makalayo na ako nakikita ko parin siya na nasilip sa akin tinitingnan kami kung ligtas na nakababa at maayos, napakabait ng aso na ito sa aming pag-akyat ng bundok maculot.
iba yong pagtanggap niya sa mga bisita papakitang gilas siya humaharurot na parang sasakyan napakasaya niya pabalik-balik siya nong nakita niya mga tao.
courtesy of MS.ELLA CAMATOG |
Salamat at naakyat nadin kita matagal nakitang gustong makita sa wakas natupad ko narin,munting kalikasan ng bundok maculot na bansag sa tawag nito sa ngayon pero dati daw ang tawag nito ay mt.maculod sabi ng naturang nakatira sa baba ng bundok,.,
courtesy of MS.ELLA CAMATOG |
ito yong pababa napakahirap niya pero sulit ang punta pagnakita muna ang taas mawala na takot mo sa pagbaba iisipin mo nalang ang makuhanan bawat sulok ng tuktok nito. at maayos naman din ang aming paglalakbay sa loob ng anim na oras na pagtahak sa maiinit na panahon napaka alinsangan.
pero ang lahat may hatid na kabutihan na dulot ng tagumpay at pagpupunyagi.
ang pagkaakit ko sa lugar ay siyang nagpatatag sakin upang mabuhay ng maayos ang ganda ng kalikasan natin sana maalagaan siya ng maayos na may pagmamahal.
Mga berdeng halaman dito mo lang matatag-puan sa batangas cuenca sarap silang pagmasdan
nakapalibot sa kinakatayu-an ko ang bundok na tila tahimik at malayo sa maiingay na paligid.
Sa porma at hugis ng paligid dimo akalain na may ganito sa bansa natin kaya ang mga dayuhan namangha sila sa ganda ng pilipinas perpektong hugis at kulay.
Sa ating ama na lumikha ng kalikasan para tayo ay mabuhay salamat may ganitong tanawin sa aming mundo napakalinis pala napakaganda pala napakakulay niya napakaayos niya sana sa mga susunod na henerasyon mararanasan pa nila ang ganitong mapang-akit na inang kalikasan at sa ganon maipapamalas nila sa buong mundo namay ganito tayong likas na yaman.
ang pagmamahal sa sariling bayan at pagpapahalaga sa kalikasan ay isang bagay na di matutumbasan ng kahit anong materyal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento