Miyerkules, Mayo 13, 2015

HAGIMIT FALLS AND NATURES PARK

Ang hagimit falls ay isang tagong talon na matatagpu-an sa bandang samal island isa siyang adventure nature park na tinatag pa noong 1950's bago mo matawid ang lugar sasakay ka muna ng tinatawag na LANTSA sa pantalan ng sasa unse isang lugar kung saan ako ipinanganak. lantsa ang tawag ng mga taga rito isang uri ng pangtawid dagat na hango sa salitang PLANTSA dahil hugis plantsa siya kung pagmasdan pero ito ay isang transportasyon noong unang panahon ng mga kastila na ipinamana sa taga mindanao nong katatapos ng digmaan. Noong ako ay bata pa naranasan ko ang magpaanod sa dagat gamit ang sasakyang ito naglalaro kami sa isang pantalan na walang lifevest o salbabida kung tawagin ng mga karamihan sa lugar na ito medyo delikado pero nasanay na kami sa pag sasaliksik namin may nagtatagong pasyalan pala na di masyadong nailathala sa mga babasahin kasi isa lang siyang maliit  na talon pero napakaganda at napakalinaw ng tubig pagnakita mo mapapahanga ka dito.ipreneserba talaga ito ng mag -asawang lolo fortunato batucan sr. at lola goyang biniyaya-an sila ng labing apat na supling at yon na ang mga nagtaguyod sa lugar na ito at nag-alaga.
Sa mga bato nito nakasalalay ang malikhaing kalikasan kasi sa porma at hugis niya pantay-pantay ang kurti at anyo ng naturang talon taon bago ito mabuo ng husto sa pagsasaliksik ng mga experto ang pagbuo ng talon ay isang mahirap na bagay dahil ang agos nito ay nakakonekta sa pinanggalingang bukal kung saan nilalabas ang malinis na tubig na pinagkukunan ng enerhiya.  


Lahat ng napunta dito ay mga lumad narin kasi dipa alam ng mga taga ibang karatig lalawigan namay ganitong pasyalan dito maliban nalang sa mga kaibigan ko na naparito lagi kasi dito nila pinagdiriwang ang kanilang taon ng kapanganakan.




Pwede kang mag overnight dito napakalinis niya at may mga kubol na kaya sa bulsa di kamahalan pero sulit ang pagpunta mo dito dahil mga taga rito ay napakafriendly nila asikaso ka at lahat ng kailangan mo tinutugunan nila.


ito yong mga cottage nila na maaring rentahan at may mga payong na nakatayo na sa tabing talon ang mas agaw atensyon sa kulay at malapit sa tubig sa murang halaga lang makakapasyal kapa sa paligid habang nag oobserba ka.






May mga pasilidad siya na malapit sa mga cottage kagaya ng hydromassage / restroom / karaoke house at iba pa.







Transportasyon papuntang falls pwede mong sulitin ang iyong pamamasyal sa halagang abot kaya lang di sila masyadong naniningil ng mahal depende sa lugar na pupuntahan mo umpisa sa pantalan hanggang sa hagimit falls 300 pesos lang singilan bawat isang habal-habal




ito yong pantalan 20 pesos ang pamasahe patawid puntang samal island...




Sa habal-habal palang mapahiyaw ka sa sobrang bilis ng takbo kakaiba siya sa lahat sa probinsya mo lang mararanasan...



 Ang history ng hagimit falls kung pano siya nakilala at naistablish nong 1950's




Mga kubo na dapat pagpili-an  pagkayo ay mag overnight...



Napakarelax ng paligid malayo sa ingay paraiso sa liblib na lugar maaliwalas na kalikasan napakalamig ng hangin kahit malapit lang siya sa dagat dimo akalain na may ganito ka perpektong tanawin ang saya ng mga kasamahan ko namangha sila pati ako halos diko matigilan ang pag-ikot.





Ang  halaga ng bawat rentahan sa loob ng hagimit falls...



Walang  hihigit pa sasarap ng pakiramdam na kasama mo ang mga malalapit na kaibigan na sa tagal ng panahon nagkikita-kita padin kayo.malimit man ako magbakasyon sa hometown ko,kaya minsan nilolobos ko oras ko sa samahan namin maliban pa sa pamilya ko walang kapantay na saya at ligaya ang sukli.





   THANKS TO MY FRIEND NO MATTER WHAT HAPPEN FEEL FABULOUS AND FIT...
*THE CAST START AT RIGHT*
CHITO THE BEAUTY QUEEN
ALYNA THE DIVARUNNER
DAYAN THE SEXY PORNSTAR

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento