Linggo, Abril 19, 2015

IBAT-IBANG TEAM IISANG SAMAHAN


Lagi sa bawat sandali di nawawala ang pangunahing larawan ang pagbuo ng samahan dito naipapamalas ng grupo ang pagkakaisa tungo sa mawalawak na  kaalaman...
BAGO ko umpisahan ang aking artikulo nais ko po munang magpasalamat sa lahat ng dumalo sa aking pangunguna at sa ibat-ibang team.




THE RUNNING DIRECTION-TRD
TEAM CAVITE-E.S.E
TAKBO KABITENYO INC.-TK
PINOY ASPIRING RUNNERS-PAR
MANANAKBONG KABITENYO-MK
TEAM SOLEUS
TAKBO LAKAD- TEAM LATAK
FABULOUS RUNNING DIVAS-FRD (HEADED BY:)











Likas na sa ating mga pilipino ang madasalin kahit sa ano mang bagay at pagpapala ang ating minimithi bukod sa nagpapasalamat tayo GABAY ang maaring solusyon sa ating paglalakbay tungo sa ating buhay...  karaniwang paraan na tayo ay manatiling ligtas at ang importante yong gabay niya
sa papamagitan nito mapapanatag ang bawat loob natin at sa mga hinaharap nating pagsubok.


Hindi nawawala sa bawat umpisa ng LSD ang pagdarasal pinangungunahan ni  MASTER Rustico Martinez ang gabay at pagpapala ng mahal na tagapagligtas natin ang nasa itaas...


 Itinuturo niya na kung saan ang gawing parte ng tamang daan at kung saan ang ligtas para  makarating sa destinasyon ng nasabing lugar ang LAUREL BATANGAS sa AMBUN AMBUN FALLS



Sa bawat miyembro may isa guide may isang taong nagpapaliwanag sa tamang daan at ligtas    pinapamalas ng bawat isa ang husay sa pakikinig sa pangunguna ni  MR.MHIKO BERNAL 



                courtesy of  sir rustico martinez                              


Karaniwang nakikita natin ang syodad palagi pero may naitatagong ganda pala ang lugar na ito ang nagtatagong TALON na bihirang mapuntahan ng tao dahil ito ay sadyain malapit pero di pa lubos na nakikilala sa taglay at maamo nitong hugis.
bawat kasapi at sumama nitong friendship bonding tinatawag naming LSD long slow distance ay kita sa mga mata nila ang kagalakan na madiskubre ang ganda ng kalikasan parang bumalik ang lahat sa kabataan asam na makapagtampisaw sa TALON kahit na pagod di nila ramdam ito dahil sa saya..,
                  

Ang MALAGASLAS SPRING ay isa sa magandang batis na nakikita ko napakalinaw ng tubig malapit lang din ito sa AMBUN-AMBUN FALLS nasa gilid na bahagi siya pero napamangha ako nong nakita ko ang tubig napakalinaw,
Maaakit ka sa sobrang ganda di mo akalain na may ganito sa batangas na napakalapit sa tagaytay wala pang isang oras mararating muna ito,ito yong  daan namin para kami makabalik tungo sa labas ng daan na aming inumpisahan, HALOS ang mga bumibisita dito ay mga Dayo gaya namin sabi ng LUMAD na nakatira dito malapit sa nasabing pook. presko ang lugar tahimik bihira daw itong marating subalit sadyain siya matarik at bago mo marating may (3)tatlong  maliit na sapa kang dadaanan bago mo ito matanaw.
ang mga pangunahing pinagkakit-an ng mga taga rito ay ang pagsasaka dito rin matatagpo-an ang malalawak na lupain sa bansa madalas ang batangas ay siyang mga pangunahing lalawigan na malapit sa transportasyong tawid dagat dito nagmumula ang sasakyang punta ng visaya at karatig lalawigan lalo na ang isla ng mindoro.


                     



AT sa stop over namin kina ateng KONSEHALA ang kanilang napakasarap na HALO-HALO masarap sa halagang 20 pesos busog kana at may fishball pa na lutong bahay may 30 pesos kana pwede kanang mabusog at sa kanilang hospitality sa mga kagaya naming dayo sa lugar alaga ka nila parang isang pamilya ang turing nila sa mga MANANAKBO.
SA chikahan tawanan sa pagpapahiwatig na ang masaya na buhay ay nakikita sa kaunlaran ng lipunan at sa tulong ng isa sa kaibigan ko na si blue ang katagang mahuliman sa balita di padin nawawala ang "MGA PADALA NI MAYOR"





Dito nayong pinakamatarik kaya wala ng kwentohan na nangyayari umaasa nalang na makatapos at marating ang tuktok kung saan ang destinasyon pauwi,kanya-kanya ihip nalang buga ng hangin at tiis sa nagliliyab na araw mga nasa 12:00 ng tanghali nakami nakadaan dito natapos namin ng 1:00pm isakto pero sulit ang pagtahak namin lahat masaya ang kaganapan ng bawat isa sa amin.





Si catherine halos himatayin sa sobrang tarik ng daan at napaka-init pa dina niya alam kung siya ba siya sasakay o magpapatuloy maglakad nalang hanggang makarating sa tuktok ng bangin.hirap nadaw kasi siya parang dina niya kakayanin sabi namin sumakay ka wala namang problema kesa himatayin pa siya mahirap kasi lahat kami hinang-hina na kaka akyat full force ang naging samahan namin dito sigaw pag dikaya tawa pagnagustohan ang ruta sarap balik-balikan dika manawa kaya sa mga nag-babalak na pumunta try nyo para alam nyo ang ruta dito.napakaganda nakakamangha ang kapaligiran.







Babalikan daw namin muli itong rutang ina 'PAMATAY" yan ang laging nababanggit kasi sa tirik ang araw napakatarik ng daan di pangkaraniwan sa mga nag uumpisang tumahak ni kahit ibang "MAMAW"salitang ginagamit ng mga kapwa ko mananakbo,namangha sa lugar na ito walang nagawa kundi ipagpatuloy hanggang maka ahon sa taas.
sarap ng nakagawi-ang routine ang makasama mo sila kahit na ibang team kayo di inantala ang pagod kundi lubos na ikinasaya ng karamihan,subok sa tatag at pagpapahalaga ang naging pakay namin dito pagmamahal at pagbabahagi sa tunay na buhay....







                     MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento