Martes, Marso 1, 2016

POWER KEMBOT W/ THE STARS #5

"Lahat tayo ay may kanya-kanya hilig pero mas nakaka antig ang naging hilig ko ang kahiligan sa pagtakbo bawat miyembro o kasapi ng bawat team ay may sariling pamamaraan at abilidad sa pagpapalaganap ng kanilang samahan ang pagiging palakaibigan palabati palangiti ay isa sa mga natutunan ko sa running community dito ko naipapamalas ang aking katalinohan sa pagbuklod ng ibat- ibang team na magkakaisa at magpatuloy sa maayos na samahan samahang walang kapantay ng tuwa't saya bagama't di man tayo perpektong tao dito sa mundong kinakatayo-an natin pero naroon parin naman sa wastong pagpapahalaga ang bawat isa sa atin, iisang layunin iisang pakay sa makataong pakikitungo sa isat-isa".


Ang mga miyembro ng kanya kanyang Team kita na masaya sa naging Lsd sulit na sulit daw?at uulit-ulitin pa! di magka ugaga ang lahat dahil sa tindi ng init sa daan pero ayos at tuloy ang salo-salo na di nakuhanan sa sobrang kwentohan nawala sa isip.





Di magkamayaw sa dami ng lumahok nasa 89 katao maliban pa sa mga humabol sa daan sulit ang pagod dahil sa sobrang saya ng team.





Ang kahabaan ng aming ruta ay siyang haba ng samahan ang kalyeng ito ay matatagpo-an sa Sta.Rosa nuvali may haba na 26 kilometrong layo ang ikot nito bagaman walang isang sumoko lahat nag enjoy sa kakatingin ng ibat-ibang tanawin.





Ang cardiac road sa may silang ang lugar kung saan malimit ang mga siklista dahil mas pabor sila sa ganitong ruta matarik mas maganda para sa indurance ganon din tayong mga mananakbo mas kailangan ang taas ng daan para mas lumakas  pa sa mga sasalihang event in the future.





Sa lugar na ito medyo dipa sementado ang ibang daanan pero Trail kung maituturing sa karamihan ng tumatahak dito at nag eensayo the more rough the more adventure daw?




Napakalayo tingnan pero pagmay kakwentohan ka dimo na maramdaman ang Pagod Hirap ng pagtahak sa lugar na ito mananaig ang tawanan at chikahan na walang humpay samahan ng chikapace  power kembot at powerwalk




Ang south drive ay matatagpo-an sa bahaging silang mahaba siya pero sulit ang punta mo dito dahil sa naglalakihang mansion karamihan nakatira dito kilala sa lipunan negosyante at malalaking angkan ng caviteno,dito rin matatagpo-an ang Golf land at ang bagong Forbes park area isang pribadong Lugar ng ibat-ibang tourista partikular sa ibang bansa ang labas nito ay SLEX Sta. rosa laguna exit




palikong kalye at tarik dimo akalain na marating namin ito parang kami lang ang tumahak sa lugar na madalas dahil nagustohan namin dilang sa maganda ang tanawin dito kundi mababait pa ang mga nakatira sa lugar na ito Ng Hukay Road





Ang silang 360 LSD ay isa sa layunin na maka inganyo ng runners dahil  dito nagmumula ang pineapple industry napakalawak na lupain di kalayo-an sa tagaytay sariwa at presko ang hangin malayo sa polusyon sa kamaynilaan ito yong Mapa nakaguhit sa kurting supot may kahabaan ng 26 kilometro ang silang 360




Matatanaw ang tagaytay sa area na ito napakalawak ng silang napakalinis para kang nasa probinsya pero ang lapit lang niya sa kamaynilaan halos malakbay mo ng mahigit 3 oras sa sasakyan. sa kahabaan ng aguinaldo highway o dikaya mahigit 2 oras sa SLEX Highway




Di kami mananawa sa kakabalik sa lugar ng Silang cavite dahil kampanti kami dito na maganda at malapit siya sa maynila ang lugar kong saan safety at wala gaanong sasakyan na dumaraan.





  
Bawat Team ay may award isa na dito ang pinakamaraming miyembro na dumalo sa LSD ng kembot w/ the stars 5 at bawat miyembro may sariling award din courtesy of Fabulous Running Divas FRD

Kabahagi ang Team:
PIGS/Team Latak/MananakbongKabitenyo/PinoyAspiringRunners/Takbo Kabitenyo INC./Imus Runners/La Familia/Fabulous Running Divas

  Kay  Papa Jerome ng Latak Team maraming salamat sa pagsupport sa LSD ng kembot w/ the stars 5 mabuhay ka! kundi dahil sayo lahat ng tumakbo mauuhaw mabuhay!hacienda Caasi
           Maraming Maraming Salamat Sa Inyong Lahat!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento