Martes, Marso 1, 2016

LOVE TO RUN (Valentines Edit)

Ang pagmamahal daw sa RUN sabi ng nakararami ay hanggang wagas hangga't may kakayanan kapa sa pakikidigma sa kalsada nais ko pong talakayin kung bakit lahat ng tao ay kailangang sumubok sa kakaibang adventure na ito mas masaya pagsama-sama ang lahat sa isang layunin ang makatapos at maipamalas sa sarili na kaya ko at kakayanin ko ito...



Love To Run namin na ginanap sa mga araw ng puso itinapat namin sa buwan ng mga mapagmahal kahit na ang mga kasamahan ko at pati narin ako Single kaya kahit san kami makakarating dikami nagmamadaling umuwi dahil wala namang nag-aantay sa amin maliban nalang sa mga pamilya na nagpakita ng pagmamamahal sa isa sa amin.




dito natayo sa mga ruta ang pinakamahabang daang paliko-liko sa nakaharang na kabundokan ang talisay tagaytay road simple pero kung titingnan mo sa haba ng daan maliban sa matarik ito paakyat, patas lang ang laban bilad ka sa napakainit na singaw at uhaw para kang umakyat ng bundok kung saan- saan pero iba dito kasi tinakbo namin ang 27 kilometrong layo paikot ang ruta dadaan ka muna sa masukal na Trail pababa bago ka makarating sa kalsadang ito.



 Ang Lawa na ito ay ang Taal lake sa bandang Brgy. sampaloc talisay road napakaganda niyang pagmasdan amoy mo yong singaw ng tubig malalanghap mo sariwang hangin karamihan dito ay mga Resort at ang pinagkakabuhayan ng mga tao dito ay ang pangingisda maraming tourismo sa bayan na ito halos mga taga ibang bansa animo'y beach resort ang dating nakakamangha kung pagmasdan nila ang kapaligiran ng pilipinas na may natatanging taglay na ang kalikasan natin ay pinagpala datapwa't nasa atin ang disiplina na maalagaan ng maayos ito at di maabuso ng kapwa natin.






maliit na talon na nakikita din sa baba ng tagaytay ang brgy. Sambong isang talon na makikita sa kaloob-looban ng masusukal na daan nakatago siya pero bihira lang mapuntahan kasi wala pang nakakaalam na may ganito dito maliban sa mangilan-ngilan lang di siya masyadong pansinin maliban nalang kung sadyain mo ito.






 kailangan ng katawan ang indurance para makayanan ang pagtakbo para laging handa sa mga event mabisa din itong panunaw sa mga toxic sa katawan pampalakas ng resistensya at circulasyon ng dugo kaya dapat nating pagyamanin ang ating kalusugan dahil dilang sarili natin ang makikinabang kundi makakatulong tayo sa darating na henerasyon.















 Dito yong parteng uhaw na ang karamihan halos walang mabilhan buti nalang may water source kaya nabuhayan at bigla kaming lumakas dahil may sampung kilometro pa bago kami makarating sa tagaytay rotonda pahirap pa yong init lakad takbo ang nangyari pero ayos lang at lahat nakahanap ng solusyon.







At sa wakas nakarating nadin ang mga warriors ng daan nakakain at nakinom na ng malamig at masarap na snack dahil kahit pano naibsan ang gutom sa daan ng talisay road mahigit kumulang isang kilometro nanaman bago sa finish area kung saan kami kumain ng lagpas tanghali-an sakto 1:30 pm kami natapos.

Matinding init inabot namin sa rutang ito napakatarik mo!
Mapaglaro kapa dami mong ikot ilang bundok kaya yon naka 28 kilometro din ang natapos namin





Love To Run warriors maayos at masigla kahit nagugutom na salamat sa mga araw na ito na tayo ay nagkakasama sa hirap at saya natuloy padin tayo kahit na may humabol nakaabot padin... yan ang tunay na Runners kahit huli makakarating din....

Cast:BLUE/RED/JUSTINE/CATHY/WILSON/ARN/LYANA
FERN


Maraming salamat sa inyong Lahat!!!

Ang munting Video

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento