Sa pagkakataong ito at sa mga tagapagsimula ng pagpapahayag muli kong umpisahan ang aking karanasan sa Bundok ng may taas na 1,007 MASL...
(mHIKO bERNAL pHOTO)
(Jeddahlyn Monzon Photos)
Maulan noon ng kami umakyat dito halos ang aming dinadaan ay mga putik dulot ng tag-ulan dinamin naisip na may kaakibat itong peligro at nakakakilabot na mga karanasan.
Sa pangunguna ng Team Mananakbong kabitenyo ako ay nakisabay sa kanilang pag-akyat maliban narin sa galak na makapunta sa lugar ng "Lobo Batangas" ninanis ko na pagisipan ko ng mabuti at maikwento ko ang aming mga naging pakiramdaman sa bundok ng "Mt.Naguiling"
(Jeddahlyn Monzon Photos)
Base on a true story maipapahayag ng mga nakapunta at nakaranas ng kagaya ng aming dinanas na "Ligaw" which is nangyari talaga kahit may kasama pa kaming Guide talagang nakakakilabot ang lugar pakiwari lahat ng nagmamasid ay naka-antabay sa pagsalakay.
(mHIKO bERNAL pHOTOS)
Nong kami naririto at nagpatuloy sa pag-akyat may mga taong nagpapa alala sa amin na wagnang tumoloy sa pagtahak sa matarik at madulas na daan pakiwari ko isa silang Sugo na sa kabila ng pagpanik namin tila may mga kaakibat na peligro, kakaibang nilalang kaming nakasabay na biglang nakasunod kung ano ang aming maging hakbang sa naturang bundok.
ingat daw sabi nong dalawang matatanda na nagsasaka di parin natinag ang grupo patuloy kahit na may kaba na nakakabit sa dibdib si Teh ELLA ang malakas ang pakiramdam pareho kami nilalaban ko din ang naramdaman ko basta enjoy lang makaraos din,ang guide naman tila nagmamadali para tapusin ang pag-akyat sa itaas iniiwanan pa kami siya ang nasa unahan at ako naman ang nasa dulo palagi.
Masukal ang lugar matarik mabato at puro sanga halatang di pa naaakyat ng karamihan kasi sa daan halos nakaharang pang ang mga nakatanim na puno maganda sana ito kaso napakalayo niya halos buong araw kami mahigit naglakbay balikan kinabukasan narin kami ng umaga nakarating sa aming mga bahay kasali na ang siyam( 9hrs.)na oras na pag-akyat at pabalik (Traverse Dayhike)
( Jeddahlyn Monzon photos)
Nsa Summit na kami at napagsalohan namin ang mga munting baon pero may kapansin-pansin ang paligid naglalakihan ang mga lamok dito sakit kung makakagat sabi ko sa guide kay
kuya may Malaria ba dito? sagot Niya wala daw?kaya kahit wala nagpahid padin ako ng
offlotion para di makakagat ng husto.
Kuhanan muna hanggat dina umulan nakakatakot na dito na parte kasi lumakas ang patak ng tubig tapos maputik pa lahat ng nadulas dito may tunog na katapat (laugh) at nakakatakot na sa pakiramdam tila may nakatingin sayo (creepy) lingon sipol tawag kulitan ang mga sandata para di mainip at tuloyang di matakot.
Ang Lugar na tinatawag nilang matalinghaga ika nga! kasi mga tao dito nakayoko di masyado nakikipag-usap sa mga bisita kaya takot ang manaig sayo, dito ko lang naranasan sa parteng Lobo batangas ang mga dayo ay di nila kinakausap kaya di nakapagtataka kung bakit ano meron dito?
Malaking bato nakaharang sa daan parang nanggaling sa itaas na nahulog malamang doon galing sa taas ng bukirin na nandirito sa larawan na matagal ng nakalipas hanggang sa ito ay lumalaki ng husto buhay na bato kung tawagin nila dito.
ito yong pinakamatandang Puno dito sabi ng guide namin mahigit 200 yrs old nadaw
Sa kabilang dako Tanaw ko ang lugar na parang nakakalbo na kabundokan ang pagkaka-alam ko dito inuumpisahan na nila ang pag mimina sa lugar,sayang kung maipagpatuloy ang ganitong klaseng kalakaran sinisira nito ang kalikasan ng mga banyagang namumuhonan sa lugar na ito di nila inantala ang peligro at sasapitin ng mga mamamayan sa murang halaga.
Ang ilog na aming narating ay siyang karugtong ng aming dadaanan tungo sa naumpisahang lugar dito ka muna maglinis ng mga naputikan mong kasuotan mga nasa apat na kilometro tungo sa aming inumpisahang daan sa mismong barangay.malamig ang tubig saglit lang din kami kasi ayaw naming abutan ng gabi mga nasa alas kwatro na ng hapon ito papadilim na kami ni sister ELLA may mga nararamdaman na nakakakita na kami ng mga taong nadaan na biglang nawawala at nasipol pa kung saang dako di namin alam,panay sigaw namin sa isat-isa tinatawag namin mga kasamahan namin habang naglalakad. yong dinaanan ko dito at ng dalawa ko pang kasama na sina Mhiko at Paulo mali ang kalye di talaga daanan ng tao isang pastolan ng mga BAKA kaya dali-dali kaming bumaba maytakot na mahulog sa bangin dahil napakataas ang nasa-isip ko ay AHAS baka kami matuklaw.
At sa wakas nakababa narin kami ng ligtas at walang pangamba tagumpay at laking pasalamat sa maykapal dahil di niya kami pinabayaan dipa madilim nang kami ay nakababa sa kabilang
Sitio
Ang tanawin sa pinaka summit ay di siya ganon kaganda maliit lang pero mas nakatawag pansin sa may Campsite kasi bukod sa malawak na maganda pa ang tanawin at kita buong batangas lalo na ang dagat.
WELCOME TO LOBO BATANGAS BOUNDARY
The Campsite Area
MT. NAGUILING IN LOBO BATANGAS AY MAY TAAS NA 1,007 MASL
8 HRS.ROADTRIP(BALIKAN) MULA IMUS CAVITE AT PAG-AKYAT NG 9 HRS TRAVERSE (HALOS WHOLEDAY)
(mHIKO bERNAL pHOTOS)
The Cast
ELLA / JEDDAH / MICHELLE / CATHY / ALYNA / PAULO / MHIKO / ALDRIN / FERNAN